Hi 😀 tawag nila sakin “Wina”, 18 at nag aaral sa SNS, Senior High school, katunayan Grade 12 na ako. Gusto ko sanang isulat ‘tong hindi ko makalimutang drama ng buhay ko. Sa ikalawang pagkaranas ng masalimuot na pag ibig. Hanggang ngayon di ko pa din siya makalimutan. 3 buwan na ang nakakalipas simula nung naghiwalay kami. Kasalanan ko din naman kasi, dahil ako yung nakipaghiwalay. Pero ito pa rin ako, di siya makalimutan 😢 Tawagin nalang natin siya sa pangalang “Fabby” yan ang tawag ko sa kaniya. 1 yr. & 3 months lang ang tinagal namin. Pero sa tagal na yan, parati kaming naghihiwalay tapos babalik-balik, parati kaming nag aaway. Ayoko namang sisihin ang taong hanggang ngayon sinasaktan pa din ako. Di ko siya makalimutan, kahit gusto ko siyang kalimutan. Pag inaalala ko siya, sumasakit ang dibdib ko. Umaagos ang luha ko. Sa kakaisip sa kaniya, di ko na Alam kung ano ang gagawin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Na realize ko, gustong-gusto kong ibalik ang dati na nakakausap ko pa siya, nakakasama at kahit na anong mangyari nandiyan siya para tulungan ako. Naalala ko pa nung una kaming nagkita. Sa park, sa skating house. Nung araw na di ko inaasahan na siya ang taong magpapasakit sakin ng ganito. Masaya pa ako nun. Nagdadalawang isip kung tama bang makipagkita sa kaniya. Tama bang maging seryoso sa kaniya. Tama bang panindigan siya. Lahat ginawa ko yun dahil nabulag ako sa pag-ibig. Linamon ako nang katangahan ko sa kaniya. Ipinakilala ko siya sa buong pamilya ko pero di ko akalain na ito pa ang magiging daan para magkaproblema kami. Simula nun madami na ang nangyari. Sa huli naramdaman ko na nagbago siya. Hindi ko na nararamdaman na mahal niya pa ako, hindi na ako masaya sa kaniya. Kaya iniwan ko siya. Nakipaghiwalay ako. Madaming dahilan dahil ako yung tipong, mapanghinala, walang tiwala sa lalaki, selosa, selfish at sensitibo. Inaamin kong ikinahiya ko siya noon pero hindi ko siya itinanggi sa iba. Ipinagmalaki ko pa siya sa mga kaklase ko, sa mga taong nakakaalam ng relasyon namin. Pero dahil sa mga barkada niya at pambababae niya. Ito ang kinahantungan namin. Nagsinungaling siya, madami siyang ipinangako pero di niya tinupad. Kaya lahat ng ipinangako ko sa kaniya hindi ko mabitawan. Natatakot na akong magkamali. Epekto ito ng konsensya ko. Iniwan ko siya dahil sa pagod na akong intindihin siya. Ngayon di ko alam kung konsensya ko lang ba talaga ‘to o dahil sa pinagsisisihan ko ang pagkikipaghiwalay sa kaniya. Huli na ang lahat para ibalik ang dati. May mahal na siyang iba pero nasa isip ko parin ang mga salitang ” Mahal na mahal kita, Wina. Palagi kang mag-iingat. ” 💔😭

Sent By: Edwina Delos Reyes